[FRANCELI] May naramdaman ako nang tingnan ko si Luthan sa mga mata niya. Hindi ko alam kung ano, pero damang-dama ko yun. Magkayakap pa rin kasi kami hanggang sa mahulog kami sa tubig. And for a moment ay nagkatitigan lang kami at doon ko na nga naramdaman yun. Weird. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ng moment na iyon pero nag-iwas na ako ng tingin sa kanya dahil bigla akong nailang. Gusto kong kumalas mula sa yakap niya pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa'kin. "Franceli... ayos ka lang?" inosente niyang tanong nang makaahon kami. Nginitian ko na lang siya. "Oo naman. More than okay pa nga ako eh. Masaya ako, Luthan!" saad kong parang medyo plastic. Pero totoo din yun na masaya talaga ako. Kasi finally, nakuha na namin ang liwanag kay Dean. Two ex-shooting star down, France

