[FRANCELI] Kinausap ako bigla ni Glen pagkarinig niya sa sinabi ni Luthan. "Totoo ba ang sinabi niya Franceli? Magkasama kayo ng boyfriend mo sa iisang bahay?" Siyempre hindi ko alam ang isasagot at gagawin. Nakatingin din kasi si Reuben sa'kin! Anak ng chop suey naman kasi itong si Luthan, hindi maipreno ang bibig! "Ah eh... Ano kasi..." nauutal pa ako sa pagsagot ko. Ano ba kasi ang ipapalusot ko? "Boarder ni Franceli si Luthan," sabi ng isang boses sa likod ko. Napalingon naman kami lahat at nakita ko ang best friend ko. "Steph!" tuwang-tuwang sigaw ko sa kanya. "Andito ka!" Niyakap ko siya agad kasi niligtas niya lang naman ako sa isang malalang interrogation. Tapos hinarap ko ulit sina Glen. "Tama si Steph, boarder nga namin si Luthan sa bahay..." "Boarder mo ang boyfriend mo?"

