[FRANCELI] Naloka ako sa sinabi ni Luthan. Hindi ko akalain na may ganito pala siyang 'misyon' na dapat gawin dito sa lupa kapag naging tao na siya. May hinahanap pala siyang isang dating bulalakaw? "Iris? Babae itong hinahanap mong bulalakaw?" tanong kong sobrang naintriga. Tumango siya. "Oo. Nauna na siya rito sa akin." "Kamag-anak mo ba siya?" "Hindi." "Jowa? Girlfriend?" "Hindi ko siya girlfriend, Franceli. Di ba nga at hindi naman kami marunong magmahal?" Natawa ako dun. "Sorry naman. Eh sa marami rin namang taong hindi marunong magmahal." "Lahat kayo my kakayahang magmahal," pagtatama niya naman sa akin eh nagbibiro lang naman ako. "Hindi nga lang kayo lahat marunong magmahal nang tama." Na-impress naman ako sa sinabi niya. "Oo na, ikaw na ang maraming alam sa ganyan. Pe

