ISABELA'S POV: Inayos ko ang aking damit habang may kausap si Riven sa cellphone niya. Habang binubutones ko ang aking blusa ay naamoy ko ang mamahaling pabango ni Riven sa aking katawan. Kahit na pinagpawisan siya sa laro kanina ay ang bango-bango niya pa rin. I bit my lips while the scent run through my nose. Paano naman kasi 'di hahalo ang amoy niya sa akin, sobrang higpit ng yakap niya kanina habang... sh*t! Hindi na ata mabubura sa isipan ko ang kahalayang ginawa namin kanina. Ngayon na nawala ang libog sa aking katawan ay para akong matutunaw sa hiya. I want to slap myself kung bakit nagawa ko ang bagay na iyon. Ngayon ako naiilang. "Gusto mong dumaan muna tayo sa fastfood?" tanong niya, na ikinalingon ko bigla. Now that he mentions it ay parang bigla akong nagutom kaya marahan

