ISABELA'S POV: Ilang minuto na siyang nakaalis, ngunit ang bakas ng pabango niya ay narito pa rin sa loob ng aking silid, nanunuot sa aking ilong. Tumagilid ako para h'wag na siyang maisip pa, but the kiss kept me awake nang maalala iyon. Ang sabi niya ay dumulas daw ang kamay niya kaya nagkadikit ang aming labi kaya hindi ko na iyon binigyang pansin pa kanina, pero ang aking puso. Sobrang bilis ng takbo niyon na para bang hinahabol ako ng aso, dumadagundong. Hindi ko in-expect na gano'n ang mararamdaman ko sa simpleng salita lamang nung tindera kanina. Hindi ko akalaing manginginig ako at mahihimatay. Maybe it's my defense mechanism, sa takot na makuhanan ng litrato at baka dahil doon ay may makakilala sa akin. Bagay na kinakatakutan ko ng sobra. I want to move on, pero kung may mak

