ISABELA'S POV: Halos wala ng estudyante nung lapitan ako ni Coal. "Can we talk?" Narinig kong sabi ni Coal, habang nagsusulat ako. Tiningnan ko muna ang buong silid bago muling tumingin sa kanya. Kaya pala malakas ang loob kasi wala nang mga ka-block ko. "Of what?" tanong ko at muling pinagpatuloy ang pagsusulat. Narinig ko ang pagkalampag ng upuan, hudyat na mauupo siya roon. " I still love you," sambit niya na ikinatigil ko. Bahagya akong natawa't umiling-iling. Kung hindi siya gunawa ng katarantaduhan ay matutuwa pa siguro ako. Coal has a handsome face, very western-looking. Makapal din ang pilikmata niya na agaran kong nagustuhan sa kanya noon. Bukod roon ay matangkad rn siya at maganda ang postura na para bang isang modelo. Pero ngayon, parang isang sinpleng lalaki na lang si

