ISABELA'S POV: Nanginginig pa ako ng kaunti nang ihatid ako ni Riven sa pwesto ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makayanan makuhanan ng litrato. Hanggang ngayon kasi bumabalik pa rin sa isipan ko kung paano ako tingnan ng mga nakakakilala sa akin. Bumabalik pa rin sa aking isipan kung gaano ako nahihiya sa tuwing makikita ko ang mga mata nilang mapanghusga. Mabuti na lang talaga ay naisipan ng tatay ko na maalis ako sa probinsya namin, kahit paano ay unti-unti akong nakakabangon. Dahil na rin sa tulong ng mga taong nasa paligid ko. Isa na roon ang mommy ni Riven, na tinanggap ako kahit na alam niya ang issue ko.Pati na rin si Rika at si Riven, Dahil sa kanila ay unti-unti akong nakakalimot sa masalimuot kong pinagdaanan. Mabuti na lang din ay tumabi sa akin si Rika na hawak ang ak

