"ANO KA ba, Paul Christian? Bakit mo iniwan si Veronika? Dapat nakinig ka muna sa mga sasabihin niya!" umiiyak na sermon ni Kring-Kring sa binata. "Did I cheat on you with Veronika?" sa halip ay kunot-noong tanong ni Paul Christian. Sinusulyapan lang siya nito dahil nagmamaneho ang binata. "Kaya ba tinanggihan mo ang marriage proposal ko sa 'yo noon?" Lalo siyang napaiyak. Kahit ipinagtapat na ni Kring-Kring kay Paul Christian na tagahanga lang siya ng binata at aksidente lang ang lahat ng nakita nitong "ebidensiya" ng "relasyon" nila at ang mga "maling akala" ng mga kaibigan nito noon, hindi pa rin ito naniniwala. Kahit nga nakita na ni Paul Christian ang video nito at ni Veronika, tila ba hindi pa rin natitinag ang paniniwala ng binata na may relasyon sila dati. Mas gusto pang maniwal

