Six months after Bulacan State University FOUNDATION week ng sintang paaralan ni Kring-Kring kaya bumisita siya roon kasama sina Pretty, Tiara, at Louie. Hindi niya alam kung bakit siya kinaladkad ng tatlong kaibigan doon at nag-absent pa sila sa kanya-kanya nilang trabaho. "Noong estudyante pa tayo, hindi naman kayo pumapasok kapag foundation week," reklamo niya sa mga kaibigan. "'Tapos ngayon, pupunta tayo rito? Ano bang meron?" "Wala naman," sabay-sabay na sagot nina Pretty, Tiara, at Louie. Lalo siyang nagduda. "Uuwi na 'ko." Halatang pinagti-trip-an siya ng tatlo at talagang magwo-walk out na siya kung hindi lang siya binitbit ni Louie at isinampay sa balikat ng binata na para bang sako lang siya ng bigas. Natural lang na magpumiglas siya. "Louie! Ibaba mo 'ko!" reklamo ni Krin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


