IT WAS a distant memory. Nang araw na maghiwalay ng landas sina Kring-Kring at Paul Christian, may nakilala siyang isang magandang babae na ipinakilala ng binata bilang ang "almost-girlfriend" nito, pero nakiusap din si Paul Christian na ilihim niya ang kanyang natuklasan. Masyadong masakit ang alaala nang araw na iyon kaya pilit na ibinaon iyon sa limot ni Kring-Kring, hanggang sa paglipas ng mga taon ay totoong nakalimutan na niya ang detalye na naganap noon, maliban sa naglalakad palayo na pigura ni Paul Christian. Isa pa, wala rin namang ibang nagpapaalala sa kanya ng tungkol kay Veronika Chua kaya hindi sumagi sa isip niya ang tungkol sa babae. Hanggang sa mga sandaling iyon. "Veronika Chua..." mahinang sambit niya. "Yes, our wedding planner," inosenteng sagot ni Paul Christian h

