Chapter 12: From Afar

1131 Words
RANDY'S POV I checked my black rubber wristwatch while sitting beside my bed. Buong araw akong bored dahil hindi man lang nagreply si Cass sa mga chats ko. Pangalawang araw na niya as tutor ni Brian. I hope he's not making everything hard for her. I can feel my hand clenched on its own. I really hate that guy. Dammit! Kapag nalaman ko lang na may ginawa siya kay Cassandra baka kung ano ang magawa ko sa kaniya! My regrets stabbed me. Sana hindi ko na lang sinabi ang tungkol sa tutorial. Kung alam ko lang na si Brian ang tuturuan. Kapag nagkataon hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag na-bully siya roon. I cut my own thoughts. May tiwala ako kay Cass. Kayang-kaya niya ang sarili niya. Just how she protects me. A smile appear on my face. Nakaramdam ako ng ease knowing that she will not like that Brian Salcedo. The way they interact with each other, they will never get along. Masaya na ako sa ganoong interaction nila sa isa't isa. Atleast wala akong kaagaw sa kaniya. Anyway, it is almost 6pm. Wala akong kasama rito sa bahay sapagakat wala pa rin si Mama. Malamang lasing na naman 'yon pag-uwi. Hindi ko na naman makakausap ng maayos. I have no strength to talk to her kapag lasing siya. Tuwing hindi siya lasing doon lang kami nagkakaroon ng time mag-usap pero hindi gaanong matagal, sobrang madalian lang. I guess bibili na lang ako ng makakain ko para ngayong gabi. I reached for my glasses na nasa side table. Hinanap ko rin ang cap ko na nakasabit sa likod ng pinto. Sinuot ko ito at tuluyang lumabas ng kwarto. I bought rice and menudo good for 2 serving. Hindi ako marunong magluto kaya ibibili ko na lang din si Mama. Nang pauwi na ako bibili pa sana akong barbecue sa Tatay ni Cassandra, pero naisip ko ang pakiusap niya sa akin kaya uuwi na lang akong diretso. She said I will be her alibi kaya baka magtaka 'yon kapag nakita niya ako. Tatalikod na sana ako nang makita ko ang isang puting van. Parang hinihila ang mga mata ko na tumingin sa bumaba. Nasa kabilang kanto lang ako. The distance is enough para hindi nila ako makita. It's Cassandra. Again my heart began to feel happy kahit nasa malayo ako parang ang lapit lang naming dalawa. Her face looks like an angel. Ang ganda niya kahit saang anggulo. Kaagad naman napalitan ng inis ang naramdaman ko nang makita ko na bumaba ang mga kaibigan ni Brian. Malamang kasama nila 'yong kupal na 'yon dahil palagi silang magkadikit na tatlo. I grabbed my cellphone out of my pocket. I will call her. I will ask her kung bakit kasama niya ang mga kaaway namin? Akala ko ba ayaw niyang malaman ng Tatay niya? So, what is this? I search for her number and tap call. I waited while looking at them. "C'mmon answer my call, Cassie." I whispered while directly looking at them. Nakita ko siyang nilabas ang phone niya then I heard the cut of the call. "What the heck!" usal ko. I tried again but it's unsuccessful. What is she doing? From afar I can see her talking to the twins saka bumaba ang Brian na 'yon. At talagang ipinakilala niya pa sa Tatay niya! Nakita ko kasi ang paglahad ng palad ni Brian kay Tito. This is unbelievable! I can feel anger hits my head. This is not real! Hindi pwede ang ganito! Baka mas mauna pa siyang maging close sa father ni Cass. No! Hindi pwede! A sound of horn of tricycle awakened my flying mind. I am torn between pupuntahan ko ba sila o uuwi na lang. Baka kasi magtanong pa iyong tatay niya kung bakit wala ako sa sasakyan kung magkasama nga kami. Uuwi na lang ako. I will deal with this later. Marami akong tanong na gustong masagot. I am hoping for a clear answer from her. After dinner ALONE, dumiretso agad ako sa kwarto at hinablot ang phone ko sa side table.. I scan my messages to her, wala man lang siyang reply. Bumuga ako ng mabigat na hangin. Baka magkasama pa sila? No f**king way! It's already ten o clock! Thinking about it makes my head hurt. I want to shout. Gusto kong isigaw ang inis na nararamdaman ko. Iniisip ko pa lang na magkasama sila parang sasabog na ako. "I'll wait. Baka busy pa siya. Wala na naman siguro ang Brian na 'yon sa kanila," pagpapakalma ko sa aking sarili. I put my phone back and lied down to my bed. I waited and waited--hanggang sa makatulog na ako. "Hey!" that familiar voice. I stop for a sec, inayos ko ang glasses ko saka naglakad. I guess she's still following me dahil rinig ko ang footstep niya. Naramdaman ko na lang na humigpit ang bag ko sa likuran kaya napatigil ako bigla. Hinila niya pala ako pabalik. "W-what are you doing?" tanong ko na may konting irritation. Pumunta siya sa harap at ngumiti siya sa akin. "Ayan! Mabuti naman tumigil ka na. Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo eh," reklamo niya. "May problema ka ba?" Kumurap-kurap ako. Naalala ko ang pang-iignore niya sa akin kagabi. Gusto kong sabihin na oo nagtatampo ako sa kaniya. "Ah w-wala. H-hindi lang kita narinig," tanging rason ko sa kaniya. "Talaga ba? Baka mamaya galit ka na pala." "H-hindi ah. Hindi talaga kita narinig." "Mabuti naman," wika niya saka pinulupot ang kamay niya sa kanang bisig ko. "Oo nga pala, nakita ko ang chat mo. At tumawag ka rin pala sa'kin. Sorry ha napagod ako masyado kaya hindi na ako nakapag-reply. May sasabihin ka ba dapat sa'kin? What was that for?" Iginayak ko ang ulo ko sa gilid which is wrong move I guess kasi lumapit ang distansya ng mukha namin sa isa't isa. We hang there for couple of seconds. Mas lalo ko pang nasilayan ang magandang mukha niya. Her perfect figure na para akong inaakit. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan ang mga nangungusap na mga mata niya. Kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. "So ano nga?" Muling tanong niya. Nagising naman ang diwa ko. "Ah w-wala naman. I just want to check kung nakauwi ka na kagabi. Also, gusto ko lang din malaman kung hindi ka sinaktan ng Brian na 'yon." Bumitaw na siya sa pagkaka-hawak sa akin. "About that, alam mo ba may ikukwento ako sa'yo about Salcedo na tiyak ikakagulat mo." I felt intrigue kung ano man ang sasabihin niya. It's better not to disappoint me like last night. Balak ko nga sana siyang hindi pansinin eh. Mabuti na lang talaga she immediately approach. Kaya sana maganda ang sasabihin niya sa akin, kung ano man 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD