Kumalampag ang kubyertos nang biglang bitiwan ni Mildred. Napapitlag si Toni nang tumayo ito, bakas ang galit sa mukha nito. “What? Ano ito? Palabas niya para magpaawa.” Nakuyom niya ang palad. Ganoon na ba kasama ang tingin nito sa kanya na pati iyon ay gagawan niya ng istorya? Maaring maldita siya pero di naman siya sinungaling. Matapang niyang sinalubong ang tingin ni Mildred. “Hindi ko po gagawing biro ang isang malalang sakit, Tita. I have an acoustic neuroma. Nakakaapekto po ang tumor ko sa utak sa pandinig ko. Kailangan ko po ng panahon para magpahinga at ihanda ang sarili ko sa operasyon ko. Rushmore is helping me out.” “Sa ngayon po nagte-take up siya ng sign language class sa Shining Hope Foundation. Naka-enroll po ako sa klase na iyon para may makasama siya,” paliwanah ni Ru

