Halos ma out of place si Anna ng gabing yun, kumakain sila ng hapunan. Nagluto ang nanay niya ng lutong pinoy at tuwang tuwa naman ang lola niya habang kakwentuhan si Dan. Medyo sumigla ito ngayon at natutuwa siyang makita itong ganun kasaya. Naka upo ito sa wheel chair na binili niya para dito. Nakakalakad naman ito subalit hindi na ito makatayo ng matagal at pili din ang pwede nitong kainin. Ang nanay niya ang nagprisintang subuan ngayon ang lola niya samantalang panay din ang alalay ni Dan sa lola niya as if ito ang apo nito. Dan was very warm to her lola at nakikita niyang hindi ito napipilitan lamang na pakisamahan ang lola niya and that make her feel she's beginning to feel something for him again. Well hindi naman nawala yun eh, kaso nadismaya siya sa pagiging babaero nito. "Oh

