Napatingin si Elly sa cheque na inaabot ni Noah sa kanya ng makaupo s'ya sa gilid ng kama sa kuwarto nila. Iyak ng iyak naman ang mommy ninang n'ya ng umuwi na s'ya at makita ang mga galos n'ya sa mukha at braso na agad nag utos na kumuha ng cold compress para daw ilagay n'ya sa mga pisngi n'ya na hanggang ngayon ay pulang-pula na lalo. “Ano to?” takang tanong ni Elly. “Tumawag si Tanya iyan ang amount na kailangan n'yo para bumalik sa dati ang shop mo.” kumunot ang noo ni Elly. 1 million ganun ba kalaki ang na damage sa kanila parang wala naman kahit pa nasira ang buong computer nila. “Bakit kailangan ikaw mag bigay may pera? kami na lang ni Tanya kaya kong ibangon ang business namin na walang tulong galing sa'yo.” ani Elly na ipinatong sa kama ang naturang cheque. “Pati ba naman y

