CAITH
"NEXT saturday ulit ha! Promise mo iyan!" usal ko kay scold na nakangiting tumango sa akin.
Nag-umpisa kasing muli ang driver lessons ko sa kan'ya dahil kahit paano ay okay na ako at magaling na.
"Opo na. Hindi naman ako makakatanggi sa iyo," saad nito sa akin at ngumiti. "Pasok na!"
Tumango ba lang ako dito at muling kumaway.
Nakangiti akong pumasok ng bahay at agad na lumapit kay Mama at Papa para magmano.
Kung si papa ay smooth lang ang pagmamano ko, kay mama ay hindi.
"Saan ka galing?" tanong nito habang inaabot ang kamay sa akin.
Nagmano muna ako dito bago umangat ang ulo at tignan siya.
Nagtutupi ito ng mga damit nila Cheska habang nakataas ang kilay.
"Nag-aral po magdrive, ayon po ung paalam ko kanina, 'di ba?" tugon ko dito sabay yuko.
Eto na naman po kami, lagi namang ganito ang nangyayari sa amin pag-uuwi ako galing sa mga lakad ko, minsan kahit kasama ko si Faye ay ganito pa din ang bungad sa akin.
"Aba! Malay ko ba kung pangfront mo lang iyon. Baka nakikipagdate ka na naman at hindi nagsasabi," usal niya.
"Hindi naman po, nag-aaral po talaga ako magmaneho. Parte din po kasi ng trabaho ko iyon," paliwanag ko sabay kagat ng labi.
"Sige, ayusin mo lang, Cai! Wag ko lang mababalitaan na meron kang boyfriend na hindi na naman sinasabi sa amin, nagpapagaling ka pa sa traumang ginawa ni Lloyd sa iyo," saad niya bago tumayo at iniwan ang mga tinutupi.
Huminga na lang ako ng malalim para pakalmahin ang damdamin ko.
Nagpapagaling nga ako sa trauma ko para makausad pero hindi naman pala sila nakakausad sa kasalanan ko.
I'm trying my very best to be better but they keep on bringing back what I've done.
"Hayaan mo na muna iyang mama mo, hindi lang iyan sanay na wala ka sa bahay at laging naalis," usal ni Papa na ikinangiti ko lang ng tipid.
"Opo…" tugon ko.
Lumapit na din ako kay Faye na nakangiti sa akin habang ipinapakita ang my melody na hawak niya. Ali bought her a handy my melody, masyado daw kasing malaki iyong nabilis niya para sa akin.
Binuhat ko na lang si Faye paakyat ng kwarto namin. Ako na ang mag-aalaga kan'ya kaya sinama ko na sa pagpapalit ko ng damit.
Ibinaba ko muna si Faye sa kuna nito dito sa kwarto bago ako pumasok sa banyo at nagpalit ng damit.
Paglabas ko ay nagulat ako dahil nandoon si Mama at nakaupo sa kama namin.
"Mag-usap nga tayong dalawa na wala ang papa mo," saad niya kaya naman marahan akong tumango at naglakad papunta sa tabi nito.
"Ano po iyon?" tanong ko dito.
"May nanliligaw na ba talaga sa iyo? Iyong Dustin, bakit lagi kang hatid sundo, ganon din noon si Keith kay Cami, pero si Keith nagpaalam agad!" usal nito.
"Ma, hindi naman po nanliligaw iyong si Ali. Kaibigan ko lang po iyon," saad ko dahil iyon naman ang totoo.
"E bakit ganon ang trato sa iyo?" tanong niya.
"Hindi po ba kayo masaya na may isang taong maayos ang trato sa akin o sa amin. Ung may nagpapahalaga?" tanong ko din dito dahil pati ang trato ni Ali ay kinukwestiyon niya. "Paano ho kung manliligaw ko nga si Ali, papayag po ba kayo?"
"Masaya ako dahil iyon nga ang gusto ko para sa inyo ni Faye! Kilala mo na ba ng lubusan iyang Ali Ali na iyan?" tanong nito.
Wala naman akong nagawa na iba kung hindi mapaawang lang ang bibig sa kan'ya.
"Bakit, 'ma? Noong bang nanligaw si JK kay Cami, tinanong mo si Cami ng ganyan?" tanong ko dito. "Wala ho akong sama ng loob doon sa dalawa dahil mahal ko po iyon at malaki ang utang na loob ko pero gusto ko lang hong itanong sa inyo,"
Totoo namang wala akong sama ng loob kila JK pero hindi ko lang maiwasang ikompara.
"Hindi dahil una pa lang nakita na namin na mabait si Keith, iyong Ali na sinasabi mo? Tahimik lang at ngingiti lang," saad niya tapos umirap. "Ganyan din si Lloyd noon nung may ginagawa na kayong kalokohan," habol pa nito.
Parang may kung ano sa puso ko na kumurot at nasaktan para kay Ali.
"Hinusgahan mo na siya ng ganon dahil lang sa attitude na ipinakita niya, 'ma?" mahinang tanong ko at pilit pinipigil ang pag-iyak ko.
I'm hurt but I don't want to show it…
"Nakita ko na iyan kaya hindi na ako magpapadala ulit," saad niya at tumayo ng maayos. "Pero dahil sabi mo na hindi nanliligaw iyang Ali na iyan sa iyo. Mabuti nga!"
Naglakad ito paalis ng kwarto namin habang ako ay naiwan doon na nakatulala at isa-isang tumutulo ang luha.
"CONGRATULATIONS!" bati ko kay Cami nang makapasok ako sa bahay nila at nakita ko siyang nakaupo dito sa living room nila.
Buhat nito si Cath na tulog na tulog. Isang linggo na halos siya nanganak at ngayon lang ako nakadalaw dahil hindi ako nakasabay kila mama noong nakaraan sa hospital.
Hindi dahil busy ako kun'di, medyo masama pa din kasi ang loob ko kay mama. Nagdadamdam lang naman ako.
Ang sabi sa akin ni Papa ay wag ko na lang munang pansinin si Mama dahil baka hindi pa ito handa na magkaroon ako ng karelasyon.
At baka ang tingin pa sa lahat ng dadalhin kong lalaki sa bahay ay katulad ni Lloyd. Though hindi ako naniniwala dahil iba naman ang trato niya kay Sir Justin noon, umoo na lang ako kay papa.
"Bakit hindi ka sumabay kila mama noong nakaraan?" tanong nito sa akin nang makaupo ako sa tabi niya.
"Ah! Masama kasi pakiramdam ko, baka mahawa si Cath kaya hindi na ako pumunta," usal ko na ikinatango niya.
“Okay ka naman na ngayon?” tanong nito na siyang ikinatawa ko.
“Of course! Hindi naman ako pupunta dito kung hindi, ito talaga!” saad ko na siyang ikinatawa lang din niya.
Nagkwentuhan lang naman kaming dalawa hanggang sa tumabi sa kaniya si JK na nakatingin sa akin ng kakaiba.
Hindi ko naman pinansin iyon dahil wala naman siyang sinabi.
“Dalhin ko lang si Cath sa kwarto ha, gutom na. Dito ka na magdinner, ate ha!” paalam ni Cami na tianguan ko naman.
“Sure, wala namang problema. Nagpaalam naman ako kila mama,” saad ko.
Ngumiti lang itong tumango sa akin bago nagpatuloy ng lakad papunta sa isang kwarto dito sa ibabang bahay nila.
Naiwan kami doon ni JK na tahimik lang pero nakatingin pa din sa akin, kaya tinignan ko na din ito.
“May problema ba?” tanong sa kaniya na mabilis nitong inilingan.
“Wala naman, nagtataka lang ako bakit tumawag si mama sa akin at tinatanong kung nandito ka daw, pero sabi mo, nagpaalam ka naman sa kanila. So, why is she asking?” paliwanag nito.
Napaawang naman ang labi ko dahil sa sinabi niya. Hanggang dito talaga?
“May nangyari ba, Cai?” tanong muli nito.
“Wala naman," tugon ko sabay yuko. "May hindi lang pagkakaunawaan," habol ko.
"You can share it me if you can't share it to Camille,"
Agad na umangat ang ulo ko nang sabihin niya iyon. Nakita ko na nakatingin ito sa kwartong pinasukan ni Cami bago muling bumaling sa akin at ngumiti.
"Paano mo nakuha ang kiliti ni Mama?" tanong ko dito.
Halata naman na nagulat siya pero tumawa din kalaunan.
"Si Mama? I don't actually remember how! Kasi natatandaan ko, si Papa talaga ang naging close ko sa kanilang dalawa kaya nga noong unang pinakasalan ko si Camille ay kay Papa ako nagpaalam," paliwanag niya sabay tumawa.
"Mas bet kasi talaga niya si Lloyd dahil kaibigan niya din ang magulang no'n, tama?" biglang saad niya na ikinatango ko.
Kaibigan ni Mama kaya noong nagkaroon ng kaguluhan sa amin ni Lloyd ay pati sila ay nagkaroon ng lamat.
"Pero simula noong binitawan ako ni Camille pero hindi ako bumitaw at pumupunta pa din ako sa inyo, doon ko kahit paano naging close si Mama. Siguro doubted din siya sa akin kung seryoso ba talaga ako kay Cams o hindi pero noong nakita niyang pursigido ako. Doon! Doon ko nakuha si Mama!" tuloy niya sa pagkukwento.
Ibig sabihin hindi pala talaga agad nakuha ni JK si Mama.
"Bakit? Hinaharang ba ang nanliligaw sa iyo?"
"Wala namang nanliligaw sa akin pero…" panandalian akong huminto at huminga ng malalim. "Parang ayaw niya lang na mainlove ako ulit,"
"Why? Meron na bang nakabingwit ulit?" tanong niya na marahan kong tinanguan. "Oy! Sino? Quiet lang ako! Hindi ko sasabihin!" nakangiti niyang usal.
"Promise?" paninigurado ko na ikinatawa niya.
"Yes! So who?"
"Si Ali," pag-amin ko.
Nagulat naman ako nang bigla itong napatayo at napapalakpak!
"Yes! Panalo ako! Panalo ako!" usal nito na ikinataka ko.
"Anong panalo?" tanong ko.
Bigla naman itong napatigil ay muling umupo habang may malawak na ngiti.
"Wala naman… so balik tayo sa pinag-uusapan natin," saad niya binigay ang buong atensyon sa akin. "Anong klase ang ginagawa ni Mama sa iyo? Nanliligaw na ba si Alikabok?" tanong niya na mabilis kong inilingan.
"Hindi! Maniwala ka sa hindi, hindi talaga!" usal ko dito.
"Kung makatanggi ka naman parang inaayawan mo iyon kaibigan ko," usal nito na may pang-aasar. "Alam mo bang isa pinakamisteryoso sa amin pero virgin pa iyan," saad niya. "Maflirt iyan pero pihikan sa babae pero virgin pa iyan," usal nito.
"Wala naman sa akin kung virgin o hindi. Ang akin e ang ugali at basta mahalaga kami ni Faye," saad ko na tinanguan niya.
"Dustin, know how to prioritize those people he loves because he doesn't experience being someone's priority, kaya alam kong maalagaan niya kayong dalawa ni Faye and I'm sure, makukuha niya ang kiliti ni Mama! I'm definitely sure about that!" saad niya kaya naman magtaka ako sa kan'yang tumingin.
"Bakit naman?" tanong ko.
"He grew up with his grandparents. So, he knows how to handle a oldies," usal nito sabay tumawa ng malakas na siyang sinabayan ko!
"Hoy! Isusumbong kita kay Mama!" singhal ko habang natawa.
"Hoy! Wag! Ako pa naman ang paboritong son-in-law ni mama!" saad niya sabay sandal sa upuan nila.
Napairap naman ako dahil sa sinabi niya.
"Ikaw pa lang naman ang son-in-law kaya ikaw pa lang ang paborito!" natatawang angil ko sa kan'ya na ikinatawa nito.
"Kontra ka!" usal nito sabay bato ng unan sa akin.
Napailing na lang ako nang masalo ko iyon. Isip bata din talaga minsan itong si JK e.
"But kidding aside, I'm pretty sure, Dustin can handle mama way better than how I handle her! Just let him court you, kasi hindi kikilos iyon kung hindi naman appropriate sa dapat niyang kilos," saad niya. "Do you get me? Bakit siya kikilos na parang nanliligaw kung hindi naman. He doesn't want to misinterpret what he is doing. Gusto no'n 'pag kumilos siya sigurado na," usal niya na ikinatango ko.
May point naman siya…
"Pero ayon ay akin lang naman! Kung hindi ka pa handa na magpaligaw at magkaroon ng karelasyon, edi wag muna!" biglang habol niya na ikinatawa ko. "Pero alam mo! Base sa nakikita ko sa iyo, you look so fine now. I mean, you're genuinely smiling and laughing… I can sense it,"
"The counseling helps me a lot, pati siya," nakangiti kong tugon.
Napangiti naman din ito at tumango tango.
"I can't wait for the day you introduce him to us," usal niya sabay ngisi pero biglang nawala din. "Sh*t! Kapag nangyari iyon! Hindi na ako ang magiging paboritong son-in-law!" usal niya na ikinatawa ko.
"Walang hiya ka!" singhal ko.
Mabuti na lang at nandito itong si Keith, kahit paano may kuya akong pwedeng makausap. Wag ko lang siyang tatawaging kuya kay baka bigla aking sipain palabas dito sa bahay nila.
--------------