CAITH "PST! Kayong dalawa, magtigil na kayo. Gagawa palang kami ng magiging paborito ng mama ninyo," usal nito na siyang ikinareklamo namin. Agad namang tinakpan ni Dustin ang tenga ni Faye habang tumatawa at si JK naman ay ganon din ang ginawa. "Papa! May bata!" singhal ni Cami habang umuubo-ubo pa kakatawa. "Ikaw talaga! Sinamahan mo pa itong dalawang ito sa kakulitan nila at pagiging isip bata," sermon ni Mama kay Papa. "Tumigil na kayong dalawa, lahat ng pumapasok sa bahay ay paborito ko at mahal ko kaya lahat kayo ay paborito ko," saad ni Mama. Lahat naman kami ay natahimik at pigil ang ngiti. Naramdaman ko naman ang kamay ni Dustin sa itaas ng kamay kong nakakurot sa kan'ya kanina. Bahagya nitong pinisil ang kamay ko tanda na masaya siya sa tinuran ni Mama. "Pero si Ate Cacai

