DUSTIN NAPATULALA na lang ako at bahagyang kinabahan dahil sa sinabi niya. Why does my wife need to go there for a check up? May masama bang nangyayari dahil sa period niya. Baka dahil sa stomach cramps… baka may need siyang inumin. I should go to the pharmacy later to buy her a medicine– Naputol ang pag-iisip ko at agad napatingin sa phone ko nang bigla itong muling tumunog. Si Trev na naman! "Oh? Bakit? Pag–" "Don't give any medicine to Cai! Hangga't hindi pa siya nakakapagpacheck-up! Just listen to me, dude! I'm an expert at this, trust me!" usal niya at muling binaba ang tawag. Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa muling mga sinabi nito. Nahihirapan na nga akong intindihin si Cai sumabay pa itong si Trevor. "SMILEY," Tawag ko kay Smiley na busy sa kinakain niyang gin

