DUSTIN “HUBBY!” Agad na umangat ang ulo ko ng marinig ko ang boses ng asawa ko mula sa pintuan ng office. “Yes, Smiley? Why?” nakangiti kong tanong sa kan’ya. Mabilis itong lumapit sa akin habang ako naman ay inurong palayo ang swivel chair ko. Alam ko kasing uupo siya sa kandungan ko na lagi naman na niyang ginagawa simula nang makasal kami at may nangyari sa amin. Kumunot naman ang noo ko nang makita ko itong huminto at tumapat sa unahan ng lamesa ko. “Pinapaalis na ako ni Sir Miggy! Dapat daw nagpeprepare tayo para sa bakasyon natin sa susunod na araw,” usal niya sabay nguso. It's been two weeks at sa susunod na araw pa lang ang bakasyon namin dahil iyon ang flight na hinanda sa amin ni Miggy. Ayos lang din naman sa amin since we still have jobs to be done lalo na ako na kailang

