DUSTIN "NANDITO na naman siya," rinig kong bulong ni Cai na ikinakunot ng noo ko. "He's always here?" tanong ko na ikinatango niya. "Tumatawag at nagtetext din iyan sa akin. I don't know how he got my number…" saad nito kaya mas kumunot ang noo ko. Masyado ng gabi kaya bukas ko na lang iyon itatanong sa kan'ya, sa ngayon I need her to get inside and keep her safe. "Pasok ka na," saad ko. Akala ko ay tututol pa siya pero mabilis itong tumango at ngumiti sa akin kaya naman nahawa na ako sa ngiti niyang matamis. "Ingat ka pauwi. See you tomorrow! I love you," paalam nito at marahang itong kumaway sa akin bago pumasok ng bahay nila. I felt so relieved that my Smiley moved on already and she is okay now. Tumalikod na ako sa bahay nila para humarap sa kotse ko pero bago iyon. Tumingin

