Isang buwan pagkatapos ng Singapore trip. Ang umaga sa Hart Estate ay tila perpekto. Natutulog pa si Luna nang maramdaman niya ang malumanay na haplos sa kanyang tiyan. Kahit nakapikit, alam niyang si Jace iyon—gaya ng ginagawa nito tuwing umaga bago pumasok sa trabaho. "Good morning, baby," bulong ni Jace sa tiyan ni Luna. "Si Daddy 'to. Aalis na muna ako, ha? May meeting ng maaga. Pero babalik ako agad. Ingatan mo si Mommy, okay? Mahal ko kayo." Napangiti si Luna pero nagpanggap pa ring tulog. Gusto niyang marinig pa ang mga banayad na salita ng asawa. Hinalikan siya ni Jace sa noo. Hinalikan din ang tiyan niya. At tahimik na umalis ng kwarto. Pagkalabas nito, dahan-dahang iminulat ni Luna ang mga mata. Hinawakan ang tiyan niya—lumalaki na talaga. Pitong buwan na. "Baby, ang swert

