[MANDY] Nagising ako na masakit ang ulo. Tapos kaagad kong naalala ang huling nangyari, at ngayon natatandaan ko na nahimatay nga pala ako. Kaya napabalikwas ako ng bangon at tumingin sa paligid ko. "Denzel!" tawag ko sa anak ko nakahiga pala sa tabi ko. Tulog pa ang anak ko, pero chineck ko pa rin kung may kakaiba sa kanya. Wala naman akong nakitang sugat o ano man sa katawan, kaya humupa na rin ang kaba ko. Gigisingin ko nga sana dapat ang anak ko dahil umaga na, ibig sabihin ay nalipasan na kami ng gabi kung nasaan man kami, kaso biglang bumukas ang pinto ng kwartong ito na hindi ko pala alam kung kanino. Iniluwa nito si Rodney na may dalang tray ng pagkain. Kaagad kong naamoy ang amoy ng soup, pero hindi doon nakatuon ang atensiyon ko kahit na nagugutom na rin ako. Nakangiti sa aki

