[MANDY] Gabi na nang makauwi sa mansiyon sina Aldy at Dark. Nakita ko silang naglalakad pabalik ng bahay at parang galing sila sa direksiyon ng malaking Punong Balete sa may garden. Nataranta pa nga kaming lahat na nandito sa mansiyon dahil nakita naming lahat na inaakay ni Aldy si Dark papasok ng bahay. Duguan ito at hindi makapaglakad nang mag-isa kaya napasigaw pa ako nang tawagin ko siya. Kaagad ko silang nilapitan at doon ko nakitang may malalim na sugat siya sa leeg niya. "Oh my God! Ano'ng nangyari?" panic mode na tanong ko kay Aldy. Para kasing may mabangis na hayop na lumapa skay Dark. Nakita kong sugatan din si Aldy pero mas malala ang kay Dark nang siguro ay sampung beses. Mukha ring hinang-hina na silang dalawa, kaya isang milagro pa nga na nakauwi sila rito ngayon. "Aldy, s-

