[MANDY] "Aldy..." pagtawag ko sa kanya. "Bitawan mo si Rodney!" Yung gulat ko ay nahaluan kaagad ng panggigigil dahil sa ginagawa niya kay Rodney ngayon. Hindi niya pa rin kasi ito binibitawan sa leeg niya kahit na nagpupumiglas na si Rodney at parang namumutla na ang buong mukha. "Bitawan mo sabi siya!" Binitawan nga ni Aldy si Rodney, na napasalampak sa sahig at umubo. Natigilan pa ako saglit dahil hindi ko naman in-expect na susundin niya kaagad ang sinabi ko. Malakas ang pagkakabagsak ni Rodney sa sahig na una ulo pa kaya kaagad ko siyang dinaluhan at tiningnan ko nang masama si Aldy na nakatayo sa harapan namin. Gaya ni Aaron, nag-iba na rin ang itsura ni Aldy nang bahagya. Siyempre, tumanda na rin siya. Hindi na siya teenager eh. HIndi na siya payat tulad ng dati. Lumaki na ang k

