[DARK] Nagulat ako sa binalita sa akin ni Vier, kaya naman kaagad akong umalis upang puntahan si Mandy. Wala na nga akong pakialam sa ama ko, na mukhang hindi na nagulat sa ikinilos ko. Nakita ko pa nga itong naka-smirk sa akin habang paalis ako. "I will be back," sabi ko na lang sa kanya bago ako nagmadaling magpunta kina Mandy. Alam ko naman kasi na dito ang punta ni Mandy pagkaalis niya ng Molave. Hindi niya matitiis ang pamilya niya, lalo na ngayon. In times like this, I know that she would come back here to check on her family. Kilala ko na si Mandy kaya alam kong na-bother talaga siya sa sinabi ko sa kanya that her whole family might be in danger. And I was right. When I arrived at their home, she was there... I saw her inside their house. She was laughing with her younger sister

