[MANDY] Natumba sa lupa si Aurelio. Nanginginig ang katawan niya at bumubulwak pa ang itim na dugo mula sa pinagsaksakan sa kanya ni Dimitri kaya kung normal na tao lang siya, dapat ay patay na siya. Pero isa siyang Devial kaya alam kong may chance na hindi pa ito ang katapusan niya. Narinig ko ang tunog ng mga yapak ni Dimitri, at laking gulat ko nang binuhat niya ako bigla ala bridal style. Kahit malabo pa ang paningin ko, nakikita kong halata sa mukha niya na hindi siya natutuwa sa mga pangyayari. Tumakbo siya at ramdam ko iyon. Nayayanig ang katawan ko sa bawat kilos niya, ngunit hindi na ako nagrereklamo dahil alam kong iniligtas niya ako mula roon kay Aurelio at ngayon ay tumatakas na kami. At saka wala sa kanya o kahit sa akin ang attention ko ngayon, kung hindi na kay Dark. Si

