[MANDY] Nakatulog ulit ako pagkatapos naming mag-usap ni Dark. Siguro dahil na rin sa pagod at stress kaya nanaginip na naman ako nang masama. Pero this time, hindi na ako hinahabol ng kung sino man sa madilim at masukal na gubat. Hindi ko alam kung nasaan ako sa panaginip kong ito. Ang alam ko lang ay umiiyak daw ako nang sobra. Hindi ko rin natandaan kung bakit grabe naman 'yung pag-iyak ko, pero nadala ko hanggang sa paggising ko 'yung matinding kalungkutan at sakit na naramdaman ko doon sa panaginip ko. Nagising ako na may humahaplos sa buhok ko. Alam kong si dark ito dahil naalala ko na dinala niya ako sa isang resort sa Palawan. Tapos ramdam ko rin ang pagdampi ng mga labi ni Dark sa noo ko. Siyempre, kaagad na napawi ang lungkot ko dahil sa ginawa niyang yun, at nang imulat ko an

