[MANDY] Wala akong nagawa kung hindi ang sumigaw. Sigaw ako nang sigaw habang marahas akong hinihila ng nilalang na may matutulis na kuko na parang sa mabangis na hayop. Nagpupumiglas naman ako, pero hindi pa rin sapat ang lakas ko para makawala sa mga kamay ng Devial na humihila sa akin. Nagkaroon lang ako ng mga sugat at galos sa kakakontra ko rito. Dahil hindi ako nakatayo nang hinablot ako ng Devial na 'to, nahihila niya ako sa lupa kaya makailang beses ding tumama ang katawan ko sa mga bato o mga halaman na nadadaanan namin. Nagkasugat-sugat na nga ako mula sa matatalim na dahon ng talahib. 'Dark, tulungan mo 'ko...' 'Dark... alam kong nasa panganib ka rin ngayon... At alam ko na sobra na kung hihilingin kong dumating ka ngayon dito... pero sana andito ka...' Gusto kong umiyak sa

