Hindi ko alam kung ano ang sadya ni Jared sa apartment ni Troy pero naririnig ko silang nag-uusap tungkol sa trabaho kaya napairap ako at agad na inalis sa isip na ako ang sadya niya kaya siya pumunta dito. At bakit naman siya pupunta dito para sa'yo, Lady? Isa ka lang namang bata na ayaw na ayaw niya! Hindi ko alam kung gaano katagal si Jared na nanatili sa apartment ni Troy. Namalayan ko na lang na umandar na ang sasakyan niya paalis kaya nagkibit balikat ako at pinili na matulog at magpahinga dahil mamaya ay duduty ako sa bar. Excited na ako dahil sa halip na maging waitress ay magiging barmaid ako doon. Matagal ko nang gusto na magtimpla ng alak at gamitin ang skills ko sa bartending. Kaya ngayon ay sobrang excited ako na sa wakas ay masusubukan ko na rin! Alas nuebe ng gabi hanggan

