Gusto kong pigilan si Jared sa ginagawang paghalik sa akin. Gustong-gusto ko siyang itulak palayo sa akin. Pero paano ko bang gagawin ‘yon kung paglapat pa lang ng mga labi niya sa mga labi ko ay parang ayaw ko na namang matapos ang halik na pinagsasaluhan namin? Kahit paulit-ulit kong naririnig sa isip ang sinabi sa akin ni Mommy na hindi ko siya pwedeng balikan dahil may posibilidad na masira ang buhay niya dahil sa mga kamag-anak ko. The love I have for him is still too strong for me not to give in to his kisses… to his touch… “Damn! I missed you…” mariing mura niya matapos akong halikan ng mariin at matagal. Halos magdugo ang ibabang labi ko sa pagpipigil sa sarili ko na sabihin sa kanya na namissed ko rin siya. Ilang sandali pa kaming nagkatitigan bago umangat ang isang kamay niy

