Hindi ako makapagsalita habang nakasakay kami ni Jared Mijares sa train. Ilang na ilang ako lalo na at masyado siyang attentive at gentleman! And I really don’t feel like he was just taking advantage of me and the situation. Mukhang likas na gentleman lang talaga siya! Lalo na at nakatayo kami at masyadong siksikan sa loob ng train! “It’s too crowded here. Do you usually take the subway?” Muntik pa akong mapasinghap at mapakislot nang bahagyang ilapit ni Jared ang mukha niya sa gilid ng tenga ko. Nakatayo siya sa likuran ko at inaalalayan ako para hindi ako masubsob sa mga nasa unahan ko. Nang lingunin ko siya ay hindi pa pala niya nailayo ang mukha niya sa gilid ng tenga ko kaya halos mapadikit na ang kanang pisngi ko sa mga labi niya! Mabuti na lang at maagap siya kaya nailayo niya ng

