Matatapos na lang ang dalawang linggo na pananatili ni Jared sa Pilipinas ay kung anu-ano pa ang hinihiling niya na gawin namin habang magka-video call. Kagaya na lang ngayon na madaling araw pa lang dito sa Spain ay ginising na ako ng isang tawag mula sa kanya. “Good morning, lovelove…” malambing na bati niya sa akin. Kahit na napipikit pa ako dahil alas kwatro pa lang ng madaling araw ay nakita ko pa sa screen na wala siyang pang-itaas. Kumunot ang noo ko. Magtatanghali na sa Pilipinas pero mukhang nasa kama pa siya pero halatang bagong paligo na. Wala ba siyang balak pumasok sa trabaho? Muling pumikit ako pero nanatiling nakikipag-usap sa kanya. “Why are you still home? Wala kang trabaho ngayon?” inaantok pang tanong ko at pilit na idinilat ang mga mata para muling makita siya sa sc

