JARED’S POV “She left early again?” Napatingin ako sa tauhan kong si Mark nang kamustahin ko ang kalagayan ni Lady sa hotel. Nagkaka-text naman kaming dalawa pero hindi ko personal na namomonitor kung ano ang mga ginagawa at pinagkakaabalahan niya sa hotel. She is having a break in school and she is supposed to just stay in the hotel. Pero ang sabi sa akin ni Mark ay umaalis daw si Lady ng maaga at hindi niya masabi kung saan nagpupunta. Nagsisimula na naman tuloy akong mainis dahil kulang-kulang na naman ang kwento niya. Hindi ko naman siya pinapasundan sa mga tauhan ko. Hindi ko rin sila sinasabihan na i-monitor ang mga ginagawa ni Lady. She has her own life and I just want her to enjoy her life. Pero mukhang hindi naman dahil sa pagliliwaliw kasama ang mga kaibigan nauubos ang oras n

