Nang muling nagising kami ni Jared ay umalis kami sa dating unit ni Kuya Larwin para lumipat sa unit niya. Sinusubukan niya pang hawakan ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa elevator kaya ilang na ilang ako lalo na at sa mga oras na ‘to ay maraming tao dito sa YBSB! Muling iniwas ko ang kamay ko nang makita ang isang grupo ng mga teenagers na mukhang papunta rin sa gawi ng elevator. Nang lingunin ako ni Jared ay kumunot ang noo niya pero hindi ko na lang pinansin! “Let’s watch a movie after the mass. I’m bored…” Patuloy sa pag-uusap ang mga teenager na nasa likuran namin kaya medyo dumidistansya ako kay Jared. Pero mukhang hindi naman niya nahahalata ang ginagawa kong pag-iwas kaya pilit siyang dumidikit sa akin at sumubok ulit na hawakan ang kamay ko! “Jared, may mga tao…”

