Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa screen ng phone ko. Kasalukuyan kong kausap si Jared sa video call at nagpapaalam ako na ibababa ko ang tawag dahil maglilinis ako ng apartment. Hindi na nga niya ako pinauwi kagabi at kahahatid lang niya sa akin kaninang umaga dito sa apartment, pero tumatawag na kaagad! “Don’t hang up the phone, love. Pwede ka namang maglinis kahit naka-on ang tawag…” narinig kong reklamo niya nang sabihin kong ibababa ko muna ang tawag para makapag concentrate ako sa paglilinis. Malapit na akong umalis kaya gusto kong malinis kong iiwanan ang apartment dahil tatlong buwan akong hindi makakauwi dito. Kasalukuyang nasa opisina niya siya sa Mijares Trine at nagsabi sa akin na pupunta siya dito mamaya para sabay kaming mag-lunch. Ang layo-layo ng Mijares Trine dit

