Pagdating sa Italy ay sa Housekeeping ako na-assign sa unang dalawang linggo ng internship ko sa hotel. The experience was a mixture of anxiousness and excitement. Masaya at nakaka-excite dahil pakiramdam ko ay narito na ako sa step kung saan sisimulan ko na ang pagtupad sa pangarap ko. Pero syempre ay hindi nawawala ang kaba at takot dahil nasa ibang bansa ako at bago sa akin ang lahat. “You looked tired. Are you really okay, love?” Agad na napadilat ako nang narinig ang boses ni Jared mula sa screen ng phone ko. Halos makalimutan kong kaharap at kausap ko pala siya. Kanina pa kasi ako napapapikit. Alas nuebe pa lang ng gabi dito sa Italy at sa Pilipinas ay alas tres ng madaling araw na. Jared is always adjusting for me. Magtatatlong linggo pa lang ako dito sa Italy pero feeling ko ay

