Kanina pa ako pasilip-silip sa itaas dahil alam kong doon tumuloy si Jared kanina pagkagaling niya sa swimming pool! Gulat na gulat na nga ako na makita siya dito sa Spain ay mas gulat na gulat pa ako sa hindi niya pagpansin sa akin! “Ano bang ginawa ko sa kanya? Mabuti nga at maayos akong nakipag break at hindi ko naman siya sinumbatan sa ginawa niyang panloloko sa akin! Tapos ngayon ay parang siya pa itong galit? Bakit? Dahil nag-break din sila ng pinsan ko? Bakit parang kasalanan ko pang nag-break din sila? Buti nga na nag-break din sila! Buti nga sa inyo!” Nakairap na bulong ko habang nakatingala itaas. Inis na inis tuloy ako habang naghahanda sa pagpasok sa restaurant. Excited pa naman ako kagabi na nalaman kong may makakasama na ako dito sa bahay. Iyon pala ay ex-boyfriend ko ang m

