Nang mag second half ang laro ay unti-unting nakahabol ang YM at bago matapos ang third quarter ay naging tabla na ang laban. I don’t know how it happened though. Hindi rin kasi ako gaanong makapag focus sa panonood dahil kinakausap ako ng isang ka-team ni Jared. Nahihiya naman akong sabihin na manood na lang siya ng game kesa makipag-usap sa akin. Hindi naman kasi siya pumapasok sa game at mukhang pumunta lang talaga doon para mag-support sa team. Pero kahit ang panonood na lang sana sa mga ka-team niya ang gawin niyang suporta ay mukhang wala pa siyang balak na gawin! Inuuna pa kasi ang pakikipag flirt! Hindi naman ako gano’n ka-manhid para hindi maramdaman na interesado siya na makilala ako. Nakikita ko ang paninitig niya ng todo sa akin kahit na nakaharap ako sa court at sumusubok na

