“PUMUNTA ka na lang, Attorney,” pangungumbinsi ko na naman sa kaniya, kanina pa ako paulit-ulit, namimilit, pero ayaw niya talaga. Mukhang masama pa rin ang loob niya sa Daddy niya kaya ayaw niya munang makausap. “I started this day in a very nice way, Shandi, I don’t want to ruin this, alright?” sabi niya habang nagsusuot ng kaniyang T-shirt, katatapos niya lang maligo. “Let’s just spend this day together, I’m planning to take you out on a date.” Napabuntong-hininga ako, nakakapagod naman siyang kumbinsihin, hindi ko na yata talaga mababago ang desisyon niya. Hindi na lamang ako nagsalita, hindi ko na lang siya pinansin, tumayo na lang ako at kinuha ang tuwalya ko tyaka mga damit na hinanda ko at pumasok naman ako sa banyo. Naiintindihan ko naman na ayaw niya munang makausap ang pami

