DAVE Wala siya sa mood habang nagmamaneho ngayon. Talagang nagsumbong pa ang babae sa kanyang ina. Naalala na naman niya ang pinag-uusapan nila ni Mommy. Pagkatapos kasi niyang maligo ay narinig niya na walang tigil na kumerereng ang cellphone niya. Inabot niya ang cellphone sa bedside table. Tiningnan niya kung sino ang caller. Nakita niya ang kanyang ina ang tumawag. Sinagot kaagad niya ito, at itinapat sa kanyang tainga ang cellphone. [What’s goin’ on, Dave?!] Nakangiwing inilayo niya ang kanyang phone sa tainga. Para siyang nabingi sa lakas ng boses nito. “Mom, could you please calm down? I don't understand why you're shouting at me." [Hindi mo maintindihan?] Narinig niyang nagpakawal ito ng buntong-hininga. [Why did you kick her out? Akala ko ba napag-usapan na natin ito?] Nati

