DAVE Bago siya pumasok dito sa unit na ito ay naka-on na ang audio recorder niya. “Umalis ka na. Trespassing na ang ginawa mo rito sa pamamahay ko.” Hindi siya nakinig. Inibot niya ang kanyang paningin sa buong unit. Isang taon na rin ang nakalilipas na wala na si Felly. May kaunting pagbabago man sa unit ay natatandaan pa rin niya ang buong unit. This place is their safe haven. Puno ng kasiyahan, tawanan, at mga magagandang nangyayari sa buhay nila ng dating kasintahan, pero dumating ang malagim na pangyayari na hindi nila inaasahan. Madali lamang siyang may access sa building dahil isa siya sa investor o mas tamang sabihin ay silang dalawa ni Felly. Ang pamilya Angeles, ang may-ari ng gusali na ito. Felly… Isa rin siya sa may kasalanan kung bakit ito nawala. Hindi niya ito pinaki

