CHAPTER 20

2109 Words

NADIA Napatingin siya kay Dave. May kakaiba kasi rito. Pagkagising kasi niya ay napansin niya ang pagkabalisa nito. Akala niya'y wala lang iyon, at lilipas lang, pero hanggang ngayon ay ganoon pa rin. Hindi nga ito nakakain nang maayos dahil panay ito tingin sa cellphone nito. Panay lakad-balik ito sa harapan niya. Sumasakit na ang ulo niya rito dahil hindi ito mapakali. Kanina pa niya ito tinatanong kung anong nangyayari, pero hindi man lang siya nito pinansin. Abala ang atensyon nito sa cellphone nito, at may tinipa. Sapo nito ang noo nito, at tinapat nito ang cellphone sa tainga. “D-mn it! Bakit ngayon pa?” “Dave, kinakabahan na ako sa pagkabalisa mo. Ano ba talaga ang nangyayari?” Ito na naman para na naman siyang hangin, at hindi man lang siya nito pinansin. Naguguluhan na siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD