DAVE Nagtataka na lamang siya sa pagbalik niya ay wala na si Nadia. Tinawag niya ang pangalan nito, subalit hindi ito tumugon. Inilibot niya ang kanyang paningin sa kusina, at sala, pero wala siyang nadatnan. Napatingin siya sa kanyang relo. Nakita niya na kalahating oras na pala siyang nakipag-away kay Patricia. Napasapo siya sa kanyang noo. Patricia wants him to stay with her, but he declined. Ayaw niyang makasama ang babae. Pinipilit nito ang gusto nito kaya humantong sa bangayan. Saan kaya si Nadia? "Babe?" Tumungo siya sa silid niya. Binuksan niya ang pintuan ng kanyang silid. Walang bakas na umupo o humiga sa kama niya. Pumasok siya sa silid, at naglakad palapit sa banyo, at binuksan ang pinto ng banyo. Wala rin ito sa sa loob ng banyo. Agad niyang tinipa ang numero nito, at tin

