Nagkaroon ng matinding sigawan sa ilalim kung saan naroroon ang mga taong nakasaksi sa labanang ito. Nagustuhan nila ang pangyayaring ito patungkol sa pesteng lider ng Scarface g**g at sa kalaban nito. "Woohoo, hindi ko aakalaing napakabagsik pala ng galaw ng lider ng Scarface g**g!" "Malamang ay gagawa ng hakbang ang lider ng Scarface g**g na idispatya ang kalaban niya sa pamamagitan nito!" "Talo na siya sa labanang ito. Sa tindi ba naman ng pinsalang natamo nito ay siguradong matatalo na talaga siya sa labanang ito." "Tsk! Kala ko ay mananalo na ang pesteng lider ng Scarface g**g pero puro lang pala yabang ang pesteng lider na yan!" "Nakahanap na ng katapat ang lider ng Scarface g**g Buti nga sa ganid na lider ng g**g na yan!" "Sinabi mo pa. Una pa lamang ay alam kong ang kalaban n

