"Mabuti naman at sumang-ayon ka na. Kailangan nating magtulungang tatlo upang matalo ang pesteng nilalang na siyang kalaban natin!" Puno ng kaseryosohang saad ng lider ng Red Bandits na si Red. Talagang nanggigigil na siyang mapaslang at makitang binawian na nila ng buhay ang matinik na kalaban nilang ito. Nakita naman nilang mabilis na lumitaw ang lider ng Bloodlust Bandits na si Spite sa kanilang pwesto. Medyo nagulat pa sila pero agad na nakarekober sila sa gulat. "Akala namin ay napuruhan ka na Boss Spite. Hindi ko aakalaing mapipinsala ka ng kalaban natin." Nag-aalalang wika ng bandidong si Burn habang inobserbahan ang pisikal na anyo ng lider nila. "Maging ako ay nag-aalala rin sa naging kalagayan mo Spite. Talagang kinabahan kami sa maaaring kahihinatnan mo kanina noong mabilis k

