chapter 1

657 Words
SHAN “ito na. ”ngiti kong sabi saka nilapag ang Plato at mangkok sa table nila “masarap ba iyan? ”tanong ni gio,nag kibit balikat lang ako saka nag lakad, tinitigan ko lang sila habang nakain pansin ko lang parang tahimik si marc,pogi nga ito gaya ng sabi ni Sheryl sakin hindi ko maintindihan bakit ko ba sya tinititigan ang bata bata ko pa jusko shan 12 anyos ka palang kikiringking kana agad. Pero kasi.. “pa order shannyy” “ay order! ”gulat kong sabi ng may biglang nag salita “ano ba yan Sheryl,aatakihin naman ako sa puso. ”sabi ko saka humawak sa dibdib. “eh pano teh kanina pa ako nag sasabi ng pa bili naka tulala ka dyan,at Sino ang tinitigan mo ha?”sabi nito saka tumingon sa gawi nila Marc. “don't tell me? ”sabi nito “ha? ”kunyaring Hindi sya gets, sya si Sheryl pinsan ko “nako nako Shan iba na yan ha. ”panunukso nito saken saka bumalik ang tingin Kila marc “crush mo? ” “h-hoy ano ka ba, hindi noh. ”pag tanggi ko “weee,bakit natitig ka? ”hindi ko alam kung anong napasok sa kukute nintong si Sheryl at kung ano ano ang pinag sasasabi “ang bata bata ko pa para dyan weng”sabi ko dahil Yun naman talaga ang totoo hindi ko crush si marc. Bakit ko naman sya magugustohan ha ni Hindi ko pa nga siya gaanong kilala pero meron ding ganon accidentally mo magiging crush. Abay suskopo nanay wala pa sa vocabulary ko yan. “Sinigang na bangus akin. ”sabi nito na may mapanuksong tingin Hindi ko na lang sya pinansin,at ipinag balot ng sinigang,dahil baka masakal ko pa ito, nakakasira ng araw! “uwi na kami Shan, ito na ang bayad. ”sabi ni Coleen saka nginitian ko din sya, Napasulyap ako kay Marc, agad itong nag iwas ng tingin ng makita nyang tumingin din ako sakanya. “bye Shan, ang sarap ng luto ni tita”sabi ni gio saka sila lumabas ng karinderya. “thank you! ”pahabol ko. Nang maubos na ang mga tinda namin ay hinugasan ko na ang mga pinag lagyan ng mga potahe, alas 5 na ng hapon naubos ang tinda namin,napag pasyahan ko ng uuwi dahil ubos na man na ang tinda namin. Ramdam ko na ang pagod sa katawan ko,kaya hindi na ako kumain dirediretso nalang ako sa kwarto at binagsak ang katawan sa kama. “ate Shan? ”dinig kong pag tawag sakin ng kapatid ko mula sa labas ng kwarto ko, “hay nako”mahina kong sabi, pag tayo ko ay lumakad nako papunta sa pinto kinapa ko ang doorknob ng pinto dahil Nakapikit pako, grabi ang pagod ko! “oh? ”tanong ko “tawag ka ni mama. ”sabi nito saka naunang mag lakad papunta sa sala “Mama? ”tawag ko kay mama ng makarating ako sa gawi nya “nasan ang ate mo? ”tanong nito sakin. 'Niyaya ako ni eva mag mall, ikaw na bahala mag sabi kay mama's “nag mall kasama si eva. ”sabi ko tumango lang ito, “Maaaaaa! ”napalingon ako sa kakapasok lang na si ate “ayan na pala. ”mahina kong sabi Ipinakita ni ate ang dala nyang bagong damit, Hindi ko maiwasang maingit kay ate, maswerte sya dahil nabibili nya lahat ng gusto nya, samantalang ako mga pinaglumaan nya lang. Hays, pero ang sabi ni mama matuto akong makuntento sa anong meron ako, wag daw ako mag hangad ng kung ano pa. Pero nakakaingit talaga, Hindi pa siya pinapagalitan nila mama pag naalis,samantalang ako jusko ayuko na mag talk. Ako ang anak na taga salo ng masasakit na salita, wala akong kakampi sa bahay talagang sarili ko lang ang tanging kakampi ko sa lahat kaya na sanay akong mag isa, lagi naman akong mag isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD