chapter 4

746 Words
SHAN "Utot mo Marc. " sabi ko matapos marinig ang sinabi n'ya. Mahina itong tumawa sinyales na nag bibiro lang. "Ito bay naiinlab na.. Nag Pa-practice na eh. "Panunukso ko dito. " baliw."sabi nito sakin. Tinuon niya ulit ang paningan sa tv. Sa sinabi niya kanina ay parang kinilig ako na hindi ko maintindihan. Ano bang nangyayari sakin? Nahuhulog na ba ako sakanya? Hindi pwede!mag kaibigan kami, atsaka kapatid na ang turingan namin sa isa't isa. Hindi maaari to! Ito ba yung love na sinabi? Hindi ko maintindihan ang tunay na pag mamahal sa totoong buhay. My idea of love came from fictional books.hindi sa experience kaya wala akong ediya sa pag mamahal sa tunay na buhay. Dahil ang lahat ng pag mamahal ko ay nasa fictional characters lamang. Pero bakit ito ang nararamdaman ko? Ito ba yung tinatawag na love? No way! Hindi pwede Shan hindi pwede! Habang natagal ay unti unti kong nararamdaman to. Hindi ko maintindihan! "Egel"napabalik ako sa ulirat ng daanan na naman ng daliri niya ang ilong ko. " bat naman tulala ka? "Tanong nito sakin, nararamdaman ko din na gumalaw ang katabi ko kaya napalingon ako. " wala may iniisip lang"sagot saka binalik ang tingin kaya Coleen, wala na si gio dito dahil wala ng maingay. "Wag kang mag alala mahal ka non. " natatawa nitong sabi. Mabilis ko naman itong hinampas. "Baliw." Tumayo na si Marc kaya umusog ako.15 years old nako ganon din si Marc,mas matanda lang samin si Coleen ng isang taon. Grade 10 students kami ni Marc, habang si Coleen naman ay senior high na. Naging mabuti ang pag kakaibigan namin dahil walang plastic. Tanging sila lang ang kaibigan ko dito. "Patay ka kay mama ate. " bungad ng kapatid ko sakin pag kapasok ko sa bahay. Kinabahan naman ako dahil alam ko na kung ano ang gagawin sakin. Simula nung mapa barkada ako ay sunod sunod na ang p*******t nila sakin, pero tiniis ko dahil wala din naman akong libangan. "Umuwi kapa! " sabi ni mama sakin.yumuko naman ako saka pinag laruan ang mga daliri. "Diba sinabi ko na sayo pag gumala ka ay wag ka ng uuwi dito?! "Sigaw ni mama sakin. Nanatili akong tahimik dahil wala akong masasabi. " mamaya ka lang isusumbong kita sa papa mo. "Sabi nito, saka pumasok sa banyo. Dali dali akong tumakbo papasok ng kwarto para doon mona. Natatakot talaga ako kay papa dahil matindi manakit iyon. 4th year college na ang ate ko ngayon.wala siya dito may gagawin daw siyang importante. " Shan, hindi ka lalabas dyan?"bumilis ang t***k ng puso ko ng marinig ko ang galit na boses ni papa mula sa labas ng kwarto ko. Napapikit ako ng mariin bago buksan ang pinto. Pag ka bukas ko ay agad tumabingi ang mukha, dahil sampal agad ang natanggap ko mula kay papa. "Diba pinag sabihan kana Shan?! " inis nitong sabi,naramdaman kong nag init ang mga mata ko. Nag babadya ang luha. "Yang ulo mong matigas! " nang-gigigil na sabi nito, habang ang daliri nito ay nasa ulo ko. Nag simula ng mag bagsakan ang luha ko dahil binabaon niya ang daliri n'ya don. "Hindi ka ka nadala! Kailangan pang pipaintindi sayo araw araw! " si papa sabay hablot sa buhok ko kasabay ng pag sipa nito sa tagiliran ko. "Tama na.. Papa." Umiiyak na sabi ko, habang yakap ang sarili dahil sa sakit. "Tama na papa ano pero paulit ulit nalang Shan. " sabi nito sakin. Ang luha ko ay walang tigil sa pag tulo. "Matagal ka ng pinapalayas sa bahay nato Shan! " sigaw nito sakin. Yan din ang gusto ko pa.Yan din! Kung may mapupuntahan lang ako ay hindi nako mag titiis pa dito. Oo welcome ako sa bahay nila Coleen, pero masyadong nakakahiya masyadong mabait sakin ang pamilya nila ayukong abusohin iyon. "Sinasaktan kana namin para lumayas ka dito, pero matigas yang ulo mo! "Dagdag pa nito, dahilan para kumirot lalo ang puso ko. Ayuko na.. Nang umalis si papa sa harap ko ay dali dali akong pumasok sa kwarto ko.humiga ako sa kama saka dinamdam lahat. Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito sakin?hindi ba ako p'weding sumaya?palaging sila nalang ba? Pano naman ako? Gusto ko ng tapusin ang buhay ko pero iniisip ko din na wala pa akong nararating sa buhay, hindi ko pa nararansan lahat,sumaya, at mahalin. Pagod nako... Nakaramdam ako ng antok kaya hinayaan kong lamunin ako ng kadiliman. Masarap kaya ng matulog pag galing sa iyak. :/
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD