Hindi ko alam kung ano ang isusuot ko, kaya pinili ko nalang ang isang maxi dress na ang haba ay above the knee. Simple lang ito na kulay sakura pink. Plain at walang mga design bukod sa maliit na bulaklak sa laylayan. Itinaas ko ang pagkakatali ng aking buhok at naglagay lang ng lipstick sa aking labi para hindi maputla. Ang aga naman kasi ng pagkikita namin ni Gov. Parang businesses meeting lang dahil 10am in the morning. Pagkatapos ko ayusin ang aking sarili ay bumaba na ako. Siguro ay abala pa ang mga tao dito sa kani-kanilang buhay. Dahil hindi ko naabutan sila mom sa sala. Pagkalabas ko ay ako na ang mismong magmamaneho ngayon dahil Sabado, day-off ni kuya Ben. Sa labas pa lang ng restaurant ‘e kinakabahan na ako sa hindi ko malaman na dahilan. Pagdating ko sa loob ay nagtanong ako

