Sa sobrang pagmamahal sa akin ng aking asawa na si Adam ay limang buwan na na nga ang aking tiyan at hindi pa rin niya ako ginagalaw. Ang nakakainis pa ang hormones ko ay grabe ang epekto sa akin, may mga gabi na gusto ko ng gapangin ang asawa ko pero tinatamaan naman ako ng hiya. Kaya kahit hirap at gusto mo nga maramdaman ang init ng kanyang pagmamahal ay itinutulog ko na lang. Okay ang lahat ng test sa akin, sabi nga ng doktor ko ay pwede na daw sa amin ang mag-s*x basta gentle lang at huwag na muna magpaka-acrobatic pero nakakainis kasi ang asawa ko, mukhang wala ng plano. “Ready ka na ba baby?.” Tanong ng aking asawa dahil ngayon ang araw na malalaman namin kung ano ang kasarian ng aming anak, isa pa ngayon din namin malalaman kung isa lang ba o higit pa ang sanggol na nasa aking

