Episode 62: Lovely Has Given Birth

1117 Words

SUMAPIT ang buwan ng kapanganakan ni Lovely, at nagising ito hating gabi na medyo masakit na ang tiyan niya. "Ouch! Manganganak na yata ako. Kailangan kong tawagan si Thumbler," ani niya sa sarili. Agad siyang bumangon at dali-dali niyang tinawagan si Thumbler. Nasa mahimbing na tulog ang mag-asawang Del Torre, nang paulit-ulit na nag-ring ang phone niya. "Bler… Bler, phone mo."Sabay yugyog ni Aggie sa asawa niya. "Uhmm…" ungol ang tugon ni Thumbler at bumangon ito para sagutin. Nang makita niyang si Lovely ang tumawag ay agad niya itong kinansela, subalit muli itong tumawag kaya sinagot na lang niya ito. "Thumbler, manganganak na ako!" boses ng pekeng Lovely sa kabilang linya. "Okay. Tumawag ka na lang ng ambulance at magkita na lang tayo sa hospital," seryoso na tugon niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD