AT MAYA-MAYA pa ay nakabalik na si Thumbler sa kuwarto ng asawa niya at agad itong tumabi sa paghiga. Hanggang sa naglalambing siya at yumakap. Panay ang haplos ni Thumbler sa hita ng asawa niya. At nakaramdam ng kakaibang init sa katawan si Aggie. At maya-maya pa'y maingat na humalik sa batok si Thumbler, na mas lalo naman itong nagdudulot ng init ng katawan ni Aggie. Lumingon siya sa asawa at bahagyang tumingin sa mukha nito at napansin niya na parang may paglalambing ang titig nito. Hindi naman siya manhid para hindi ito maintindihan ang nararamdaman ng asawa niya. Kaya siya na ang kusang humalik sa labi nito at iyon naman ang hinihintay ni Thumbler, tumugon siya hanggang sa nagpalit-palitan na ang mga halik nila. Dahan-dahang pumaibabaw si Thumbler sa katawan ng asawa at walang putol

